'pOpoy gAmBito

  1. Video [Flash 10 is required to watch video]

    Mayon Limited Train :-)

  2. Text

    Philippines 2020

    A question has been asked by one of our professors…

    quite funny because it made me an instant visionary for a while, hehe…

    well, she asked us about our dreams for the Philippines and how could that dream be realised…

    lucky for me, we can use Filipino language to convey our thoughts…

    here’s my answer - 

                    Pangarap ko para sa ating bansa ay ang masilayan ang liwanag ng kaunlaran. Nakakalungkot isipin, ngunit ang katotohanan ay napag-iiwanan na ang Pilipinas kung ihahalintulad sa mga karatig-bansa natin dito sa Asya. Tila baga’y nasadlak na ang ating bansa sa kasalukuyan nitong kalagayan at ang pag-usad tungo sa mabuting kinabukasan ay napurnada na.

                    Hindi ko alam kung bakit nauwi sa ganitong kalagayan ang Pilipinas. Noong una nama’y isa tayo sa mga nangungunang bansa sa Asya, ngunit sa pagdaan ng panahon ay tuluyan na tayong napag-iwanan. Ilan sa maituturong dahilan nito ay ang maling pamamahala sa bansa, ang kapabayaan ng mga namumuno sa atin, bukod pa riyan ang mga opisyal ng pamahalaan na hindi naging “loyal” sa kanilang mga gampanin, silang mga opisyal na ginawang palagatasan ang gobyerno at nagbulsa sa mga pondong nakalaan para sa pagpapaunlad ng ating bansa.

                    Ako’y nangangarap na sana, sa darating na panahon ay matamasa na anting mga Pilipino ang kaginhawahan, kung saan tayong lahat ay sama-sama, magkahawak-kamay at magkabalikat upang makamit ang kaunlaran. Pangarap kong maihelera ang Pilipinas bilang isa sa mga nangungunang bansa hindi lamang dito sa Asya kung hindi sa buong mundo. Gusto kong makakita ng mga nagtatayugang gusali sa iba’t –ibang dako ng ating bansa. Ako’y nangangarap din na sa pagkamit natin ng kaunlaran ay matigil na rin ang mga kaguluhang dahilan ng pagkakawatak-watak nating mga Pilipino. Nais kong makamit na ng Pilipinas ang kalayaan -  kalayaang hindi mula sa kamay ng mga dayuhang mananakop, kundi ang kalayaan mula sa kamay ng kahirapan, kagutuman at kaguluhan. Naniniwala ako na darating din ang panahon kung saan ang mga pangarap kong ito para sa bayan ay matutupad. Ako rin ay naniniwala na sa pagtupad ng mga pangarap na ito, magiging isa akong tunay na kabahagi ng ating bansa upang makamit ang kaunlaran at kapayapaan.

    How Can I make this dream be realized?

                    Isa lamang akong simpleng tao. Hindi ako kilala sa lipunan. Isa lamang akong tao na nabibilang sa masa. Magkagayonpaman, sa maliit kong paraan ay sisiguraduhin kong magiging kabahagi ako sa pagkamit ng Pilipinas sa kaunlaran.

                    Isa akong mag-aaral ng Kasaysayan. Sa darating na panahon ay magiging isa na akong guro. Magagamit ko ang aking magiging propesyon upang hubugin ang bagong henerasyon ng kabataang Pilipino upang maging kapaki-pakinabang sila at magsilbing instrumento upang makamit ang kaunlaran. Ituturo ko sa aking magiging mga estudyante na ang kaisapan ng pagkakanya-kanya maging ang konsepto ng regionalism ay kailangan nang iwaksi nang sa gayon ay makamit na ng ating bansa ang pagkakaisa. Naniniwala kasi ako na ang hindi pagkakaisa at pagkakaunawaan ng mga Pilipino ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit hindi tayo umuunlad. Ituturo ko din sa kanila ang kahalagahan ng kapayapaan sa ating bansa nang sa gayon ay matigil na ang dekada ng kaguluhan at patayan na isa din sa mga maituturong dahilan kung bakit hindi tayo umaasenso.

                  Hindi ko man matupad ng 100% ang aking pangarap para sa bayan, isa naman ang aking masisiguro, gagawin ko ang aking makakaya upang makibahagi sa pag-unlad ng ating bansa kahit lamang sa simple kong paraan.

                  Whether this dream could be realised, nobody knows. But one thing is for sure, Philippines’ condition would no remain stagnant. With the help of each and everyone of us, our country’s glory is soon to come. No one knows what the future holds.

     CIAO :-)

  3. Text

    Happy Thursday :-)

    Thursday is the day.

    Nagsimula ito nung mag-gm ako na “magiging masaya ang araw na ‘to” … nakakatuwa kasi naging masaya nga ang araw na to :-)

    Madaming pangyayaring naganap kanina… mangyari’y hayaan mo kong isa-isahin ito .. hehe xD

    Well… umpisahan natin sa pagpasok sa aking minamahal na paaralan… ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Nakagawian ko na ang pagsakay sa kakarag-karag at kaladkaring tren ng PNR na dumaan dito sa amin  at nanggaling pa sa Binan sa Laguna. Mas praktikal ang pagsakay dito. Sa halagang 16 pesos lang kasi… makakarating na ko sa school… unlike kung magbubus ako… bukod sa mahal.. hassle pa, kasi… ndi naman natin maiiwasan na maipit tayo sa heavy traffic.. tapos.. pahirapan pa ang pagsakay… kaya yun.. no choice.. tren na lang talaga…

    Siya nga pala… 5:15 am dumadaan yung lumang train samin. Eh nagkataong na-late ako sa pag gising.. kaya yun.. naiwan ako ng tren tren pot pot.. so ang eksena.. sa Alabang na ako sumakay. Nakakatuwa kasi, yung natiyempuhan kong tren eh yung kakagaling lang sa Japan. De-electric fan siya.. medyo kakaiba kaya nakakatuwang sakyan. Swerte pa kasi.. kahit sobrang daming tao sa station kanina.. nakaupo pa ko, ang ganda pa ng pwesto ko… hehe … kaya nun palang… feeling ko talaga magiging masaya ang araw ko :-)

    eto yung tren na sinasabi ko :-)

    eto naman yung itsura ng loob nya…

    ako… sa loob ng tren xD

    ——————————————————

    So ayun… unlike sa DMU na tren ng PNR (yung airconditioned train “daw”)… may kabagalan ang takbo ng tren na to… napaglumaan na kasi ng Japan eehh.. kaya yun…

    Anyways… since may kabagalan nga ang tren na to.. dumating ako sa Sta. Mesa past 7 o’clock. Akala ko talaga male-late na ko sa first subject ko.. pero… swerte talaga… wala si ma’am… hindi daw makakapasok :-). Sabi ko sa isip ko.. “wOw jackpot.. ahaha” hehe…

    So ayun… matapos ang madugong lecture sa Spanish… East and Southeast Asian History naman ang class namin. As usual… wala si prof., so discussion lang ang eksena namin kanina. Buong akala ko… maaga akong makaka-uwi, kaso nagtext si si Pascual, puntahan daw namin sya sa main library. 

    Akala ko kung may ipa-uutos lang.. pero ndi pala.

    Bigtime… pina-attend kami sa isang “conference” with Indonesian students. Indi naman ganun ka-seryoso na conference. Parang exchange of ideas lang. Kaming mga Filipino students, nagshe-share kami ng facts about the Philippines… then… sila naman, nagshe-share din ng facts tungkol sa bansa nila.

    Masaya, kasi… nabigyan kami ng pagkakataon na makakilala ng mga mag-aaral mula sa ibang bansa, and at the same time… natututunan naman namin ang mga bagay-bagay tungkol sa bansang pinanggalingan nila.

    So ayun… kwento-kwento… nakakatuwa pa kasi hindi kami nagutom all though that “conference” :-))

    Salamat sa sponsor namin na si Sir McDonald Pascual… hehe

    ——————————————————-

    Marami pang nangyari… kaso pagod na ko eehh.. hehe.. kaya ndi ko nalang sasabihin yung iba…

    Basta yun… sobrang thankful ako kay God kasi feel ko talaga na pinagpala niya ako ngayong araw… kaya.. Thank you po papa God xD

    DISCLAIMER:

    Sinabi ko lang kung ano ang nasa isip ko. Hindi ito isang literary journal.. hehe.. kaya mejo informal.. basta gusto ko lang ishare yung mga happenings sa buhay ko kanina.. xD

    Good night :-))

  4. Video Originally by pinoytumblr

    pinoytumblr:

    Typhoon Sendong - Cagayan de Oro Aerial View

    Aerial View of Cagayan de Oro City during the wrath of Typhoon Sendong. Video courtesy of National Grid Corporation of the Philippines (NGCP): Capt. Israel Ranario (pilot) and Mr. Emmanuel D. Abellanosa, Head, Mindanao Operations and Maintenance

    (Source)

  5. Photo Originally by bestlovequotes bestlovequotes:

Wanted by many, taken by none, looking at some, wating for one
  6. Photo cute :))
kulaypool ang city hall ng Muntinlupa xD

    cute :))

    kulaypool ang city hall ng Muntinlupa xD

  7. Text Originally by tinataguanka

    Taong Plastik.

    • Close kayo kapag magkaharap kayo pero pagtalikod mo, puro paninira ang aabutin mo.
    • Mga mahilig maghead-to-toe.
    • Mga ngiting aso.
    • Lalapit lang sayo kapag may kailangan.
    • Manggagamit.
    • Walang magandang naidudulot kundi gulo.
    • Mga hindi tunay na kaibigan.
    • At higit sa lahat “Hindi sila madaling burahin sa mundo, pero pwedeng pwede mo silang iwasan.”

    (Source: tinataguanka)

  8. Photo 
Sometimes, people don’t notice the things we do for them until we stop doing them.

    Sometimes, people don’t notice the things we do for them until we stop doing them.

  9. Text Originally by bulelyl

    Hindi ka lagi makakahanap ng taong ginagawa ang lahat maging masaya ka lang kaya LEARN TO APPRECIATE.

    (Source: bulelyl, via bulelyl)

  10. Photo Originally by replaceface Robert Pattinson :D

    Robert Pattinson :D

    (Source: replaceface)

Portraitisang simpleng tao lang ako. gusto ko lang sa buhay ay tumawa ng tumawa at maging masaya :))
Powered by Tumblr. Theme Faenza Inspired by Ilhuıtemoc.