'pOpoy gAmBito

  1. Showing posts tagged “PNR tren Philippine National Railways”.
  2. Text

    Ilang puna ko sa PNR:

    1. Maliit yung station signs (yung pangalan ng station).. tapos konti lang.. mga 2 lang kadalasan.. kaya more or less.. kapag hindi mo alam yung pagkakasunod-sunod ng mga stations.. hindi mo malalaman kung nakalampas ka na.. lalo na kung siksikan sa loob ng tren.. malaki ang chance na hindi mo talaga makikita ang pangalan ng station.. 2. Not all the time ay ina-announce ang pangalan ng station… well to be fair naman .. may ilang byahe na sinasabi ang station name.. pero there are times.. na hindi sinasabi.. kaya may ilang pasahero na nagtatanong pa sa katabi kung anong station na.. 3. Hindi lahat ng stations may upuan.. example: (a.) Alabang; (b.) Sucat; (c.) Bicutan; too many to mention… well.. you might say na meron naman.. pero.. iilan lang? siguro pang 10 to 20 persons lang, gawa pa sa hollow blocks na pnatungan ng kahoy (kapag hindi balance ang upo nyo, babagsak) kaya hindi kayang matutuganan ang, hindi naman siguro lahat pero ang nakararaming pasahero.. especially kapag 1 hour ang interval ng byahe saka kapag umuulan.. 4. There are times, though hindi naman palagi, na kapag nasisira ang tren.. hindi man lang sabihin kung ano ang nangyayari.. kaya ang mga pasahero.. nakatanga / nakatunganga nalang at hindi alam kung ano ang nangyayari… to be fair, may ilan namang nagsasabi.. pero aminin natin.. may iba na parang wala man lang malasakit sa pasahero.. :/ well.. puna ko lang naman yun.. hindi ko naman intensyon makipag-away.. haha! syempre bilang isang mananakay.. hindi naman puro good side lang ang nakikita ko.. there are times na may bad sides talaga.. i just hope na sana.. maayos.. (though alam ko na hindi agad-agad kasi nga diba, walang pondo? pero sana magawan parin ng paraan para maging convenient ang pagsakay ng masa sa mga tren :D)


    Tagged: PNR tren Philippine National Railways,
Portraitisang simpleng tao lang ako. gusto ko lang sa buhay ay tumawa ng tumawa at maging masaya :))
Powered by Tumblr. Theme Faenza Inspired by Ilhuıtemoc.